Nawasak na Pag-asa

Posted in Uncategorized on Agosto 29, 2008 by starreader

Dahan-dahan kang pumasok,
Kaybango ng iyong buhok,
At katawan mo’y kaylambot,
Ligaya sa aki’y dulot.

Ika’y liwanag sa dilim
Bulaklak sa aking hardin;
Tuwa’t sayang walang maliw
Sa puso kong naninimdim.

Ay, tadhana, anong saklap
Bunga ng aking paglingap;
Pag-asa ko ay winasak
Kaylalim ng gawang sugat.

Ngayon, puso’y tumatangis
Patuloy na humihibik;
Labis ang iyong pasakit
Nang pag-ibig ipagkait.

Aasa pa kaya ako
Gayong puso’y nagdurugo?
Mabuti pa ang sumuko,
Tanggap ko nang ako’y bigo.

Spaghetti

Posted in Uncategorized on Hulyo 26, 2008 by starreader

“Para ka namang aso.”

Ito ang madalas sabihin sa akin ng mga nakakakita sa akin kapag ako ay kumakain. Hindi ko alam kung bakit pero nakasanayan ko nang amuyin ang bawat bagay na mahawakan ko, pagkain man ito o hindi. Minsan nga ay itinatago ko na lang ang bisyong ito dahil minsan ay nakakahiya naman itong ipakita lalo na sa isang handaan. Sensitbo talaga ang aking ilong at madalas nga akong sipunin dahil dito.

Sa lahat ng ayokong amoy ay ang amoy ng spaghetti, Pinoy style man yan, Italian o kahit ano pang luto. Actually hindi naman ‘yung pasta ang hindi ko gusto kundi ang amoy ng sarsa (sauce) nito. Sa amoy pa lang kasi ay naduduwal na ako, nahihilo at bumabaligtad ang aking sikmura kapag nalanghap ko ito kahit hindi ko pa ito nakikita. Ang totoo niyan, noong ako ay nasa elementarya pa lang ay dati naman akong kumakain ng spaghetti lalo na kapag may nagbi-birthday sa aming baryo at iniimbitahan ang mga kakilala. Nagbago lang ang aking persepsyon sa spaghetti noong ako ay nasa hayskul na. Ayon sa mga eksperto at sikolohista, ang pagbabago sa persepsyon ay maaaring nag-ugat sa kamalayan, emosyon o pareho. Napaglimi ko na parang ganoon nga ang nangyari sa akin at sa aking pagka-ayaw sa amoy ng spaghetti.

Ganito kasi ang nangyari noon. Mayroon akong crush na barkada ko rin, si Jay. Klasmeyt ko siya mula grade one subalit noong nasa haiskul na kami ay laging magkaiba ang aming section. Pero barkada ko pa rin siya at lagi kaming magkakasabay ng mga barkada sa pag-uwi sa kabilang baryo kung saan kami nakatira. Kahawig niya si Ariel Rivera maliban sa kulot niyang buhok na mala-Jericho Rosales. May taas siyang 5’6, moreno at may matipunong pangangatawan dahil tumutulong siya sa kaniyang ama sa bukid. Sa madaling sabi, guwapo, pero mas nagustuhan ko ang pagiging palakaibigan at mapagbiro niya. Sa kaniyang mahusay na pagpapatawa ko siya nagustuhan dahil ako naman ay tahimik at seryoso. Opposites nga raw kami sabi ng mga nakakakilala sa amin.

JS Prom namin noon at kami ay nasa ikatlong taon. Romantic ang ambiance dahil Valentines Day. Nang makatiyempo ay hinila ko si Jay sa isang sulok. Nagpasya akong ipagtapat na sa kanya ang aking nararamdaman. Akala niya ay nagbibiro lang ako kaya tumawa lang siya sabay akbay sa akin. Subalit ako ay medyo nahihilo dahil sa pagtagay ko kanina ng isang boteng Red Horse kaya nang inakbayan niya ako ay hindi ko napigilan ang sarili kong hindi dampian ang kanyang hugis-pusong mga labi. Nagulat si Jay at ako ay kaniyang naitulak. Natumba ako sa damuhan pero hindi man lang niya ako nilapitan para humingi ng paumanhin. Mag-isa akong tumayo. Maya-maya lang ay dumating ang aming bespren na si Gerry at may dala-dalang pagkain sa isang styrofoam. Nang mga oras na iyon ay umaagos na ang aking mga luha subalit hindi nila masyadong napansin dahil madilim ang bahaging kinatatayuan naming tatlo. Parang sasabog ang dibdib ko sa sama ng loob at awa sa sarili. Masama bang magmahal? Masama bang maging bakla? Ang daming mga tanong sa aking isipan na hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kaysakit. Si Jay ang unang lalaking minahal ko, at ang akin ring unang kabiguan. Nang buksan ni Gerry ang dala niyang pagkain sa harap ko at naamoy ito ay lalo akong naliyo, napatakbo ako sa tabing-dagat at doon ako nagsusuka kasabay ng paghagulhol upang ilabas ang sakit na aking nararamdaman ng mga panahong iyon. Sumunod naman ang dalawa sa akin at hinagod ni Gerry ang likod ko samantalang nakamasid lang si Jay sa akin. (Ang paaralan naming Villamayor High School sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur ay nakaharap sa Ragay Gulf, tapat ng Burias Island sa Bicol).

Naglalakad na kami pauwi nang mag-usisa si Gerry sa akin kung ano ang nangyari kanina. Ipinagtapat ko sa kanya ang lahat dahil bespren ko siya at pinayuhan niya ako na huwag kong hayaan na masira ang pagkakaibigan namin ni Jay dahil sa nararamdaman ko. Tama ba ang sundin siya? Naging matapat lang naman ako sa aking sarili. Marahil ay tama siya. Sa ngayon ay mahal ko pa rin si Jay subalit mas pinili ko pa ring sundin si Gerry. Magkakaibigan pa rin kaming tatlo at kahit bihira na lang kami magkita-kitang magbabarkada ay nananatili pa rin ang bonding naming sa isa’t isa. Si Jay ay nasa Naga City ngayon at nagtatrabaho bilang waiter sa isang hotel doon samantalang si Gerry ay nasa Bagumbayan, Taguig City. Lagi kaming nagbabalitaan sa mga text. Nalaman kong nagbabalak nang magpakasal si Jay sa kanyang matagal nang kasintahan.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangyayaring iyon at minsan ay tinatawanan ko na lang ang kabaliwang iyon. At simula rin noon ay hindi na ako kumakain ng spaghetti dahil kapag naaamoy ko ang sauce nito ay hindi ko talaga maiwasan ang hindi mahilo at maduwal. Marahil dahil hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ako para kay Jay. Mahirap naman talagang kalimutan ang first love. Sa ngayon ay unti-unti ko nang natatanggap ang amoy ng spaghetti. Subalit mas gusto ko pa ring nakahain sa aking harapan ang pansit lalo na ang pansit bihon na siyang paborito ko sa lahat ng pansit.

Yosi, Kadiri!

Posted in Uncategorized on Hunyo 29, 2008 by starreader

“Yosi, pare.”

Napataas ang tingin ko mula sa pagbabasa ng Kule habang naghihintay ng Katipunan dyip sa harap ng MassCom. Guwapo sana pero napasimangot ako. Turn-off ako sa mga taong naninigarilyo. Tinakpan ko bigla ng panyo ang ilong ko. Ewan ko ba, umiinit ang dugo ko kapag nakaaamoy ako ng yosi. Nahihilo rin ako kapag nakalalanghap ako kahit kaunting usok mula rito. Ito nga ang madalas naming pag-awayan ng kuya ko kasi anlakas niyang manigarilyo. Minsan, kapag gusto niya akong asarin, binubugahan pa niya ako ng usok sa aking mukha. Siyempre, magpapanting ang tainga ko at tatakbo naman palabas ng bahay si Kuya Reagan. Maiiwan akong nagngingitngit ang kalooban pero mayamaya ay huhupa rin at pagbalik ng kuya ko ay parang walang nangyari.

Type ko pa naman sana si pogi. No, I don’t smoke. Ang taray! Sabay balik ng aking mga mata sa binabasa. I hate smoking, sasabihin ko sana pero pnigilan ko ang aking sarili. Manigas ka. Alam kong pera lang ang kailangan mo kaya ka lumapit sa akin, no, sa isip ko. Na-publish na kaya sa Kule ang laganap na prostitusyon sa campus, lalo na sa may Ylanan road malapit dito sa MassCom.

Hate ko talaga ang yosi. Ito kasi ang dahilan kung bakit maagang namatay si Lolo Fidel, ang ama ng tatay ko. Mabait, masipag at responsableng haligi ng tahanan ang lolo ko. Pinalaki niya rin nang may disiplina ang aking ama at mga kapatid nito. Bunso ang aking ama kaya nakatira kaming mag-anak sa bahay nila ng lola ko. Tatlo kaming magkakapatid pero nang maghiwalay ang aking mga magulang ay isinama ng nanay ko ang bunso naming babae. Balita namin ay sa Palawan sila nakatira kasama ang pangalawang asawa nito. Hindi naman nag-asawang muli ang tatay ko at itinuon na lang ang pansin sa trabaho at pagpapalaki sa amin ng kuya ko.

Paborito ni Lola Naty ang kuya ko habang mas malapit ako kay Lolo Fidel. Si Lolo pa nga ang unang nakaalam na binabae pala ako pero maluwag niyang tinanggap iyon. Siya pa ang kumausap sa tatay ko nang hindi agad matanggap ni itay ang aking sekswalidad. Madalas ako sa kuwarto ni Lolo dahil marami siyang ikinukuwento tungkol sa kanyang buhay noong kabataan niya. Paborito ko ang mga karanasan niya noong panahon ng mga Amerikano. Madalas niya rin akong kuwentuhan tungkol sa Martial Law at EDSA Revolution. Mayroon din siyang maliit na library sa kanyang kuwarto. Mahilig akong magbasa ng libro pero mas naengganyo akong basahin ang mga libro niya tungkol sa accounting. Accountant kasi siya dati sa GSIS. Tuwang-tuwa siya nang malaman niyang accountancy rin ang naipasa ko sa UP Diliman. Sa kanya ako laging nagpapaturo ng mga assignment at exercises.

Nasa ikatlong taon na ako ng kolehiyo nang magkasakit si Lolo. Nasa klase pa ako noon dahil maghapon ang klase ko nang tumawag ang tatay ko. Nasa ospital daw si Lolo. Magalang akong nagpaalam sa klase at tumungo sa ospital. May lung cancer pala ang lolo ko, stage 2 na raw. Iyak ako nang iyak nang gabing iyon at magdamag ko siyang binantayan kahit may eksam pa ako kinabukasan. Huling linggo na noon ng Setyembre kaya paparami na ang mga eksamen.

Hindi na nagising ang lolo ko mula nang dalhin siya sa ospital. Nasa campus ako nang malagutan siya ng hininga. Dinamdam ko nang labis ang kanyang pagkawala. Bumaba ang aking mga grado at natanggal ako sa kolehiyo. Nagpasya akong tumigil muna at umuwi sa Catanduanes, ang probinsiya ng lolo ko. Makalipas ang tatlong buwan ay bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho. Pitong semestre rin akong hindi nag-enrol bago ako nagpasyang tapusin ang aking pag-aaral.

Kaya ngayon ay galit na galit talaga ako kapag may nakikita akong naninigarilyo. Pinagsasabihan ko ang mga taong malapit sa akin kapag nakikita ko silang may hawak na yosi. Hindi naman ako nagagalit sa tao kundi sa Gawain lang nila. Pero hanggang hindi pa rin nauunawaan ng kuya ko ang pagkadisgusto ko sa paninigarilyo, patuloy kaming mag-aaway-bati. Sori ka na lang pogi, maghanap ka na lang ng makatatagal sa amoy mo at ng yosi mo. Kadiri!

Going Maso

Posted in Uncategorized on Mayo 29, 2008 by starreader

I think I’m turning Maso.

Yeah. I think I’m turning Maso – Masochistic. Not in the sexual context of course, but more on the physical, emotional and mental context. I think I’m going back to an attitude I had years ago. I’ve been sleepless, restless, stressed, losing weight and mentally-strained for a little more than two weeks. There would be nothing wrong with it really if it had not been for the intentionality. I could have slept a little. I could have gotten even little rest. I could have eaten more. I could have relaxed my mind. But I did not.

It’s not depression, no. It’s not the desire to slim down either. I’m not exactly sure what the whole going-Maso thing is for, but I’m quite sure I feel good about it. Talk about pain for pleasure.

The pain’s worth it though. I won’t even call it pain because pain tends to linger. I say, just a little sting, just a petty, almost-not-there nip. Besides, it gets me going. That little nip bothers little and motivates a lot.

Nothing feels better than getting good results from sheer hard work. Equally is the feeling of knowing one did all one could.

Yeah. So I guess I’m using an old method of mine to venture into a new, and yes I consider it, better disposition. The feeling is almost new. It’s been so long since I focused this much energy on things. Funny I should use the word energy when it’s the very thing that’s – going… going… gone!

My fluctuating attitude is a constant threat to anything I do. Of course, I am not expecting this feeling to last for long. It’s like everything I experience and feel are highs from drugs. Just a week ago I had a different high and this week, it’s an all too different high again. I wonder what my next short-lived obsession would be.

So now I’m turning Maso. What will I be turning to next? Is it Pessi? Hope not. I don’t want to turn into everybody’s assurance and nobody’s concern. I don’t want to turn into a walking paradox. I don’t want to be like such basically because I got to complement someone as such. I got to be the balance that someone such needs in order to find wonder and interest.

I don’t want to be the one who needs. I want to be the one who is needed. I want to be the one who works and strives and not the one who just acts and waits. All these because the most beautiful and unsurpassed happiness comes from working and striving, just like how the most painful of pains comes from the disappointment amidst strongest efforts.

All these because not all surprises in the end are good.

I want to be that one. Because I know someone needs me to be that one.

Nothing Good Comes By Easy

Posted in Uncategorized on Mayo 8, 2008 by starreader

I knew he’s too good to be up-for-grabs. Courting a gay for three years? Must be some gay. And he must be some loser, guy with no game. I might have done a better job if I were in his place. It’s just that, I don’t do that. So I should be turned-off, right? I mean, there must be something seriously wrong with him, right? Like, he’s some kind of a geek, or a twerp, or a push-over, or an intolerant view, or many other things. The thing is, I am so not, even after he dropped some flirtatious hints and then told me he’s been courting someone for a long time. That’s when I found out that he’s not much different from other men, men who just love to mislead gays. Well, maybe that was not his intention. With a demeanor such as his, I bet he was just trying to be friendly and charming. Yes, I consider that possibility. I’m not too bitter to think all men evil.

At least I got the answer I wanted. I did interest him. He wanted to know a lot about me. He wondered things about me. When I asked him, “What else do you want to know about me?” he said, “Enough to stop me from wondering.” I think it’s sweet, very poetic at some point. Just the right answer I was looking for. I didn’t want to disclose so much of course. I didn’t want him to stop wondering. I didn’t want him to stop asking questions. I never want him to. I felt a sense of satisfaction, a sense of fulfillment that I got someone as such to wonder things about me. Suddenly the crappy feeling about his love affair was forgotten. All that was there was that high I get everytime he does what he does, everytime he just becomes himself. God! I sound like such a hopeless romantic – all thanks to him.

What he doesn’t know however, is that I wonder a lot of things about him too. Well, for one thing, I wonder why the hell he turned out that way. He must have had a hell of an upbringing. Kudos to his parents!

He said, “You want to see us play some time?” and I said, “Yeah. Sure.” I wonder what songs they’ll play. I wonder which song’s going to play again and again in my head. Now I know why a friend of mine chose a song that goes, “… for you I bleed myself dry…” And now I choose a song that goes “… I was just walking on one fine wire…” thanks to Colbie Caillat (Get a listen on this one, it’s pretty cool. It’s called One Fine Wire.).

He said, “I want her eh.” Wow. Want is such a strong word for me. So strong it almost hurt, almost. Thank God it didn’t. Of course that doesn’t mean I didn’t get pissed. Almost got hurt. That’s great really. Just means I’m still me. Just means I’m still intact. Just means I’m still in control.

He said, “The good thing about waiting is the surprise.” Then I asked, “Is there always a surprise?” And he answered, “Oh yes! Everyday!” How nice if someone would say something like that about me. To think that you surprise someone every single day is such a feat! Something I’m not sure I could do. I’m not even sure if I can keep someone wondering.

“Maybe if I concentrate, he’ll deliver.” – this is the posted note on my sidebar. It used to be, “You’re doing great, believe me.” Obviously, I’m not doing as great as I was, but I’m still doing good. Yeah I am. I’m pretty sure of that. Looks like I’m trying to convince myself, but in a way, I think I am doing quite well. I mean, I am so enthusiastic in every single thing that I do. I always want to be good in whatever context. Ahaha! Okay. That was a little misleading, but basically, that’s it. I am so inspired to be better. And that’s a good thing, right?

He has the greatest answers to even the simplest and most cliche questions.

He says the simplest things in the most charming of ways.

He thinks that what’s complicated is what’s wonderful. – Exactly!!!

He makes you feel stupid at times, but makes you feel like you’re so interesting most of the time.

Music is his outlet as writing is mine. (Okay. That doesn’t make much sense, but I think they’re correlated at some point.)

Ah! This one’s better, makes more sense. Music is his outlet as it is my life.

Ooh! I just thought of this now. Maybe it’s because he’s like the boy version of moi. Could be, right?

Oh well, another note I posted somewhere is that: “I hope there will be developments.” I think you guys get it.